I asked Analyn what was wrong with her because I noticed that she looked so lonely and it looked like she was wearing the weight of the world on her shoulders. So I asked her what I can do to help. She said, “Ate, advice naman o. Di ko alam gagawin ko.” And here’s our conversation:
“Nakakainis na talaga yung lalaking yun!”, she started, “Sobrang mambola pag me gusto pero kapag nakuha na nya, wala na, deadma na.”
“Sino?”, I asked.
“Yung boyfriend ko, ate. Madaling araw na ako kanina nakauwi galing sa kanila. Mula nung iwan nya ako sa sakayan ng jeep antay na ako ng antay ng text nya. Nagtext nga ng dalawang beses pero di man lang nagtanong kung nakauwi ba ako ng ligtas sa byahe. Napakalayo pa mandin sa kanila.”
“Saan?”, I asked.
She answered, “Sa Laoag City po. Kapag nagkikita kami, ako po ang pumupunta sa bayan nila kasi di naman sya makabyahe papunta dito sa Baguio dahil magtataka daw yung asawa nya.”
Surprised, I uttered, “Asawa?”
“Opo ate, may asawa sya. Wala nga pong nakakaalam sa relasyon namin e. Di alam ng asawa nya syempre. Kaya kapag nagkikita kami patago. Nung una po ayaw ko sa kanya pero niligawan po kasi nya ako, magaling mambola at kung anu-ano ang nireregalo nya sa akin. Nung una pa lang alam ko na pong may asawa sya pero lagi nya sinasabing pabayang asawa ang misis nya. Naawa naman po ako at nahulog ang loob ko sa kanya.”
“Ganun ba?”
“Opo. May anak po silang isa. Kahit gusto pa daw nyang sundan yung anak nila, ayaw na daw po nung asawa nya. Sinasabi nya po noon na gusto nyang magkaanak sa akin. Nag isip naman po ako. Nung una gusto ko na pong magkaanak sa kanya pero napag isip isip ko kaya ba nyang sustentuhan ang dalawang pamilya? Di naman sya mayaman. Simpleng empleyado lang. Syempre makikihati lang kami lagi. Lalong kawawa ang magiging anak ko kung sakali di habang buhay na nakikihingi na lang kasi nga anak sa labas. Tama po ba ako?”, she asked.
“Tama naman.”, I answered.
“At laging ako ang lugi di po ba? Wala akong karapatan. Para akong asong nag aantay na lang ng tira tira galing sa amo nya. Kung kailangan nya ako, papapuntahin ako sa kanila. Ako naman, pag tinawag kumakaripas naman ng takbo papunta sa kanya. Pero pagtapos basta na lang akong isasantabi na parang basahan at babalik na sya sa asawa nya.”
“Talaga?”
“Opo. Kapag kailangan nya ako napakalambing nya. May mga ipinapangako pang ipapasyal nya ako sa kung saan saan. Ibibilhan daw ako ng ganito, ganyan, Pero pagdating ko sa kanila, di pa daw nya nabibili. Hanggang ngayon wala pa syang tinutupad. Malambing kapag pinapapunta ako pero pag pauwi na ako ni hindi man lang nya ako maihatid sa bus o kaya pakainin man lang. Kainis talaga.”
“Ganun?”
“Napaka tanga ko. Paulit ulit nya nang ginawa yun paulit ulit naman akong nagpapabola. E ano naman kaya nahihita ko sa kanya? Di naman nya ako mapakasalan. Di naman nya ako masustentuhan o magastusan man lang. Di po ba?”
“Oo nga.”
“Kagaya kanina sabi nya di daw nya ako maihahatid kasi may meeting sila. Pero sya na rin nagsabi na ipinapostpone daw nya yung meeting nya at di makakabalik sa office. Wala din pala sya sa office ni hindi man lang ako naihatid sa bus? Anong ibig sabihin nun?”
I shrugged my shoulders.
“Nagpapaloko naman ako. Ba’t ba ngayon ko lang narealize to? Ay naku. Sobrang boba ko ano ate?”
“Di masyado.” I said.
“Hiwalayan ko na kaya? Pero mahal na mahal ko po kasi sya. Parang di ko kayang layuan sya. Makakaya ko kaya?”
“Ano sa tingin mo?”
“Tama ka, Ate. Kaya ko to. Kakayanin ko. Ayoko nang magpakatanga. Kahit mahal na mahal ko sya mahal ko din naman ang sarili ko. Habang buhay na lang ba ako nagpapakatanga? Ginagamit lang ako nung asar na yun e. At kapag nalaman ng asawa nya may sasaktan pa akong isa. Di dalawa na kaming miserable di ba? Palagi na lang ba akong maiinggit sa asawa nya na kapag di ko sya kasama iniimagine ko na magkasama sila? Napakahirap kaya nun. Yung alam mong hindi ikaw ang priority. Na kelangan magtiis ka kahit naghihirap ang kalooban mo. At saka wala naman talagang patutunguhan ang relasyon na to e. Di po ba?”
“Wala nga.”
“Tama! Nakapagdesisyon na ako, Ate. Buo na ang loob ko. Hihiwalay na ako sa kanya. Mag text man ng mag text di ko na papansinin. Magmakaawa man sya at magpakawawa di ako papaapekto. Titigasan ko ang loob ko. Hihinto rin yun. Salamat ate ha! Ang galing mo talagang mag advise!”
“You’re welcome?” was all I said.
She hugged me. And with a brighter expression, she left.